Panitikan

Tuesday, June 14, 2022

Panunuring Pampanitikan Bilanggo

 BILANGGO

ni Larnz Superiano


Sa kwentong ating binasa, ginamit ko ang dulog Sosyolohikal, at teoryang Marxismo, makikita ang kaugnayan sa di pagkapantay-pantay na pagtingin sa tao at sa malawak  na lipunang ginagalawan, mahirap at mayaman, mahina at malakas. Mala-tatsulok na lipunan na kung saan ay may malaking pagkakaiba ng mahirap at mayaman. Tunay na napalutang ng awtor ang uri ng lipunang ating kinabibilangan na kung ay walang pagbabago, ang mayaman ay makapangyarihan at ang mahirap ay walang karapatan kundi magtiis sa wala. 

Makikita sa kwento ang tunggalian ng tao laban sa tao,  tao laban sa lipunan, tao laban sa sarili. Ang pagiging mapagsamantala at pandaraya para sa mga taong walang kakayahang ipaglaban ang kanilang mga sarili ang nagppabagsak sa moralidad ng bawat isa. 

"Hindi ko tinaga ang taong 'yon," paulit-ulit niyang sinasabi sa mga taong-gobyerno, ngunit ikinulong din siya ng mga ito sa madilim na karsel sa munisipyo." Makikita ang kalagayan ng isang tao na walang karapatang ipagtanggol ang kanyang sarili dahil sa kawalan ng kakayahan, pera at pinag-aralan. 

Batay sa palasak na kasabihan "Walang mang-aapi kung walang magpapaapi” na kung saan ay nagpapahayag naman ng katotohanan kung ang pagtatanggol naman sa sarili at karapatan ay kalakip nito ang buhay o kamatayan. 

Sa katauhan ni Mang Selo, ang kanyang mga naranasan ay pangkaraniwan na lamang sa mga bilanggo, walang kasalanan ngunit sa mata ng lipunan ay kriminal. 


No comments:

Post a Comment